Tuesday, November 6, 2012

Notoryus na "salisi gay", nadakip


HAGONOY, Bulacan—Nadakip ng pulisya ng bayang ito ang isang notoryus na “salisi gay” matapos nitong pagnakawan ang pamilyang kumupkop sa kanya ng dalawang buwan.

Ang bading na suspek ay kinilala ni Superintendent Rolando Santos, hepe ng pulisya ng bayang ito na si Jimbo Arellano, 23, residente ng Barangay San Agustin.

Ayon kay Santos, si Arellano ay dinakip matapos pagnakawan si Charry Kit Serrano, 24, isang call center agent mula Barangay San Miguel ng bayang ito.

Nabawi sa suspek ang mga kagamitan ni Serrano katulad ng laptop, cellular phone at iba pang mahahalagang bagay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ipinagdiwang ni Ernesto Serrano,49, ama ng biktima ang kanyang kaarawan noong Linggo at inimbita pa ang suspek.

Ayon kay Ernesto, dalawang buwan nilang kinupkop ang supek at pagkatapos nito ay kinupkop din ito ng dalawa pang buwan ng kanyang kapatid.

Noong Linggo, hinintay ng suspek na malasing at makatulog ang pamilya ng biktima saka tinangay nito ang kagamitan ng call center agent.

Ayon kay Santos, mahigit limang beses ng inreklamo ng ibat-ibang tao suspek dahil sa pagnanakaw, ngunit iniuurong ang kaso dahil naaawa sa suspek.

“Lagi siyang nagpapa-awa kaya di nakukulong, pero ngayon ang PNP na na magiging complaintant laban sa kanya,” ani Santos.

Iginiit pa niya na ang modus operandi ng suspek ay kaibiganin ang mga biktima at kapag nakuha nang loob ay ninanakawan.

Inamin naman ng suspek ang krimen, ngunit iginiit nito na bukod kay Serrano ay minsan pa lamang siyang nagnakaw sa barangay Sta. Monica.  (Dino Balabo)

Single mother pinaslang sa puntod ng ina



 HAGONOY, Bulacan—Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 36-anyos na single mother sa bayang ito ng barilin siya sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Marily Perez, 36 anyos, may tatlong anak, hiwalay sa asawa at residente ng Barangay Mercado sa bayang ito.

Si Perez ay pinaslang habang dinadalaw ang puntod ng kanyang ina na inilibing noong Oktubre 27 sa Sto. Rosario Cemetery, na nasa likod lamang ng simbahan ng parokya ni Sto. Rosario.

Kasama niya ang kanyang pamangkin na nakilala sa pangalang Jessica Perez ng maganap ang pamaslang, ilang minuto matapos ang pang alas-singkong misa na kanilang dinaluhan sa nasabing simbahan.

Ayon sa mga kaanak at kaibigan ng biktima, ang magtiyahim lamang ang pumasok sa sementeryo dahil sa high tide noong Linggo ng umaga.

Habang nagdarasal sa harap ng puntod ng ina ang biktima ay isang lalaking nakasuot ng bone tang lumapit at inakbayan ang biktima pagkatapos ay pinapautukan sa ulo.

Agad na humandusay ang katawan ni Perez samantalang si Jessica ay nagsisigaw upang humingi ng saklolo, ngunit tinutukan din siya ng baril ng suspek.

Gayunpaman, hindi pinaputukan si Jessica, sa halip ay pinaputukan pa ng dalawang beses ng suspek si Perez.

Ang insidente ay agad namang nabalita sa bayang ito ng banggitin ito sa sermon ni Fr. Jess Cruz sa misang isinagawa sa simbahan ng Sta. Ana sa kabayan ng bayang ito.

Kaugnay nito, sinabi ng pulisya na  kasalukuyan pa nilang tinutukoy ang motibo sa pamamaslang.  (Dino Balabo)

Payapa ang paggunita ng undas sa Bulacan




HAGONOY, Bulacan—Maliban sa pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Bulacan at masikip na daan sa mga libingan, naging payapa an gang paggunita ng undas sa lalawigan.

Ayon kay Senior Superintendent Fernando Mendez, direktor ng pulisya sa Bulacan, “generally peaceful” ang taunang paggunita ng undas sa lalawigan.

Inayunan din ito ng iba pang mataaas na opisyal ng pulisya sa lalawigan tulad nina Senior Supt. Adriano Enong, ang deputy provincial director for operations ng panglalawigang tanggapan ng pulisya,  at Supt. Rodolfo Hernandez, ang hepe ng pulisya sa bayan ng San Rafael.

Gayunpaman, sinabi  ni Hernandez na isa sa naging problema nila ay ang pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko partikular na mga lansangang malapit sa mga libingan.

Inihalimbawa niya ang kahabaan ng Donya Remedios Trinidad Highway sa bayan ng San Rafael.
 
Ayon kay Hernandez, tatlong sementeryo ang malapit sa highway, kaya’t sumikip ang daloy ng trapiko.

Bukod sa trapiko aynagsikip din ang mga daan o pasilyo sa mga pampublikong libingan sa lalawigan.

Ito ay dahil sa pagdagsa ng mga tao na ang karamihan ay inabot ng gabi dahil sa magandang panahon noong araw ng undas.

Isang halimbawa ay ang Hagonoy Municipal Cemetery na matatagpuan sa Barangay San Sebastian sa bayang ito.

Ayon sa ilang residente, bukod sa maraming tao sa libingan ay kumipot ang mga daang tao dahil may mga itinayong puntod sa gilid ng mga daanan na dati ay maluwang.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang mga Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan (Sampaka) sa simbahan at mga pamahalaang lokal na pagtulungan ang pagsasaayos ng mga libingan sa lalawigan.

Ayon kay Isagani Giron, dating pangulo ng Sampaka, unti-unting nasisira ng mga puntod at iba pang gamit sa mga libingan.

Inihalimbawa niya ang puntod ng 20 kababaihan sa Malolos na ang ilang kasapi ay nakalibing sa Malolos Catholic Cemetery na itinayo noong 1680.

“Hinanap ko bago mag-undas yung puntod ng ilang kasapi ng Women of Malolos, pero yung iba hindi ko na makita,” ani Giron.

Samantala, mistula namang mga bahay sa subdibisyon ang mga musoleo sa dalawang pribadong memorial park sa bayan ng Baliwag.

Ito ay dahil sa naglalakihan ang mga ito at ang iba ay may ikatlong palapag pa.

Ayon kay Jaime Corpuz, pangulo ng sangay ng Heritage Conservation Society (HCS) sa Bulacan, ang mga libingan sa salamin ng kasaysayan at kalinangan ng isang bayan.

Binigyang pansin niya na ang bayan ng Baliwag na ayon sa mga manunulat ay itinuturing na “Binondo ng Bulacan” dahil sa ang glorieta nito ay nakakahalintulad ng glorieta ng Binondo.

“Marami na ang nagkamali sa larawan ng glorieta ng Baliwag na nasa mga libro dahil ang akala nila ay glorieta ng Binondo,” ani Corpuz.

Ipinaliwanag ni Corpuz na ang bayan ng Baliwag ay namumukod tangi sa Bulacan dahil ito ay isa sa mga pangunahing pamayanan ng mayayamang Tsino na nanirahan sa lalawigan noong panahon ng Kastila.

“Ang sentro noon ng lalawigan ay ang bayan ng Bulakan, at siyempre may diskriminasyon pa sa mga Chinese kaya nasa medyo malayo sila, kaya sa Baliwag sila nanirahan,” ani Corpuz.
 
Ikinuwento niya na ang kaunlaran ng Baliwag sa nagdaang panahon ay makikita sa kalagayan ng mga musoleo sa mga libingan nito, lalo na sa Sto. Cristo Catholic Cemetery.

Ayon kay Corpuz, ang mga naglalakihang musoleo sa mga pribadong memorial park sa nasabing bayan ay naimpluwensiyahan ng mga musoleo sa Sto. Cristo Catholic Cemetery, at ang mga ito ay nagpapakita ng pagiging progresibo ng bayan.

“Second home ang pananaw ng marami sa sementeryo, kaya ginagastusan nila ang musoleo ng pumanaw na kaanak at doon mo makikita kung sino ang mayaman ay hindi.,” ani Corpuz.

Una rito, nanawagan din si Corpuz sa mga pamahalaang lokal na pag-aaralan ang potensyal ng mga sementeryo upang maging isang tourist attraction.

Dahil dito, iginiit niya na dapat proteksyunan ng mga pamahalaang lokal ang mga sementeryo.  (Dino Balabo)

Monday, October 29, 2012

Tulong ng DOJ hiniling ng pamilya ng magkapatid na pinaslang




SAN RAFAEL, Bulacan—Humiling ng tulong kay Justice Secretary Leila De Lima ang kaanak ng magkapatid sa bayang ito na pinaslang dahil sa banta ng anak ng isang pulitiko na ubusin ang kanilang pamilya.

Ang pangunahing kahilingan nila at maipatupad ang warrant of arrest sa mga suspek na pumaslang kina SPO4 Norberto Ignacio at nakababatang kapatid na si Renato.

Si Norberto ay pinaslang noong Abril 15 at si Renato at nitiong Oktubre 20.  Noong Sabado, Oktubre 27, inilibing si Renato sa Baliwag Municipal Cemetery sa Barangay Sto. Cristo ng nasabing bayan.

“Sana po tulungan ninyo kami, na mabigyan ng hustisya at magkaroon ng patas na laban kasi makapangyarihan sila at kami ay mahirap lang,” sabi ni Beth Ignacio, ang nakababatang kapatid ng mga biktima.

Inilahad niya na naniniwala silang ang mga suspek sa pagpatay sa kaniyang dalawang kapatid ay pareho.

Ang pamamaslang ay nagsimula ng makasagutan ni Norberto sa sabungan sa bayan ng Baliwag ang isang anak ng pulitiko sa bayang ito.

Natalo sa sabong ang anak ng pulitiko at binugbog ang lalaking nanalo, ngunit lumapit ito at humingi ng tulong kay Norberto na noo’y nasa serbisyo pa.

Tinanggihan naman ni Norberto ang hiling ng anak ng pulitiko na ibigay sa kanya ang lalaki dahil daw sa planong patayin iyon.

Dahil sa pagtanggi, binantaan ng anak ng pulitiko si Norberto na uubusin ang kanyang pamilya; at ilang buwan matapos ito, pinaslang siya.

Noong Oktubre 20, pinaslang si Renato sa loob ng kanyang bahay habang naghahapunan kasama ang kanyang maybahay na si Josephine na binaril din ng suspek.

Himalang nakaligtas si Josephine dahil sa ang bala ay tumama sa kanyang wedding ring na ikinabali ng kanyang daliri.

Ngunit tinamaan ng tumalsik na bala ang kanyang atay, kidney at baga.

Si Josephine ay kasalukuyang pang nasa Bulacan Medical Center at hindi nakadalo sa libing ng kanyang asawa.

Ayon kay Edman De Guzman, pamangkin nina Norberto at Renato, malaki ang posibilidad na maulit ang pamamaslang kung hindi maaresto ang mga suspek na tauhan ng anak ng pulitiko.

Sinabi niya na kailang mailabas na ang warrant of arrest upang matigil ang pamamaslang.

3 pinaslang sa Bulacan sa loob ng isang linggo


Libing ni Renato Ignacio


MALOLOS—Tatlong katao kabilang ang babaeng negosyante na diumano’y ginahasa pa ang inulat na pinaslang sa lalawigan ng Bulacan sa loob lamang ng isang linggo.

Isa naman ang nakaligtas matapos pagbabarilin habang naghahapunan kasama ang kanyang mister, ngunit sinawimpalad ang lalaki.

Batay sa ulat ng pulisya na naipon ng Mabuhay, ang mga biktima ay nakilalang sina Sanny Gan, isang negosyante sa bayan ng San Miguel; Renato Ignacio, kapatid ng pinaslang na  pulis sa San Rafael;  at si PO2 Shane Michael Cruz ng Barangay Virgen De Los Flores sa bayan ng Baliwag, Bulacan at nakatalaga sa bayan ng Pandi.

Ang mga insidente ay naitala sa pagitan ng Oktubre 17 hanggang 20.

Batay sa ulat ng pulisya, brutal na kamatayan ang sinapit ni Gan, 22-anyos, isa negosyante na nakatira sa Barangay Poblacion San Miguel.

Siya ay pinaslang noong Oktubre 17 ng gabi sa pamamagitan ng maraming saksak sa katawan.

Hinihinalang ginahasa pa ang biktima bago paslangin dahil natagpuan ang pulisya ang short pants ng isa sa mga nahuling suspek sa kawarto ng biktima kung saan natagpuan ang kanyang bangkay.

Nadakip naman ng pulisya angmagkapatid na Romeo at Marlon Martinez, kapwa katiwala sa bahay ng biktima at nakatira sa Barangay Tigpalas ng nasabing bayan.

Noong Sabado, Oktubre 20, hindi na natapos ang hapunan ni Renato Ignacio ng pagbabarilin habang kumakain sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sampaloc sa bayan ng San Rafael

Si Ignacio ay nakababatang kapatid ni SPO4 Norberto Ignacio,na pinatay noong Abril 15.

Himala namang nakaligtas ng kanyang maybahay na si Josephine na tinamaan ng bala sa dibdib at ngayon ay nasa Bulacan Medical Center.

Si Ignacio at tinamaan ng bala sa ulo na kanyang ikinamatay noon din.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kumakain ng hapunan bandang alas 7 ng gabi noong Sabado ang mga biktima ng biglang pumasok sa pinto ng kanilang kusina ang isang di nakilalang suspek at pinaputukan sila.

Agad na namatay sa Ignacio ng tamaan sa ulo at binalingan naman ng suspek ang kanyang maybahay at binaril sa kaliwang dibdib.

Ayon sa pulisya, posibleng may kaugnayan ang pamamaslang sa naunang pagpatay sa nakatatandang kapatid ng biktima na si Nortberto.

Pinag-aaralan din nila ang posibilidad na hindi si Renato ang target dahil ang isa pang kapatid na nakilalang si Cesar ay sa bahay ding iyon nakatira.

Ayon sa mga source, si Cesar ang nakakaalam at nakakakilala sa mga saksi sa pagpatay sa kanilang kapatid na si Boy na pinatay matapos makaalitan sa sabungan sa bayan ng Baliuag ang anak ng isang pulitiko sa San Rafael.

Ayon sa ilang residente, ang pamamaslang kayNorberto ay naganap ilang araw matapos makaalitan ang anak ng pulitiko  na nagbantang uubusin ang kanyang pamilya.

Sa bayan ng Pandi, napatay si PO2 Shane Michael Cruz noong Luines, Oktubre 22 matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Cruz, samantalang nasugatan ang isa sa mga suspek na si Francisco Cullado na nabaril ng kasamang pulis ng biktima.

ang isa sa suspek na si Allan Bantilan na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay Chief Insp. Sabino Vengco III, , sinita ng biktima ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na ang plaka ay tinakpan ng karton kung saan napansin ding may nakasukbit na baril sa baywang ang backrider.

Hindi nakaporma ang biktima nang pagbabarilin ng suspek subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay namataan naman ng off-duty na si PO2 Tito Morales ang insidente kaya sumaklolo ito at binaril ang isa sa suspek na si Cullado habang nakatakas naman ang kasamahang suspek.

Sunday, May 27, 2012

2 patay, 2 sugatan sa pamamaril ng Scout Ranger sa SJDM


Dalawa katao ang namatayat dalawa pa ang nasugatanmatapos pagbabarilin ng  isang kasapi ng Scout Ranger sa lungsod ng San Jose Del Monte noong Biyernes ng gabi.

Ang mga biktima na nakilalang sina Vicente Sinugbuan 35,factory supervisor at asawa nitong si Morena Sinugbuan 32 bunsod ng tama ng baril sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nasugatan naman sina Jennifer Horario, 17 at Merlanie Cuevas 67 na tinamaan din ng bala sa kanilang katawan pawang mga residente ng Palmera Homes,Brgy.Kaypian sa sa SJDM.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Pfc. Maximo Pasquing na nakatalaga sa 12th Scout Ranger Company ng Phil.Army na nakabase sa Basilan na nakatakas habang nakikipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya na rumisponde sa naturang lugar .

Base sa imbestigasyon ni PO1 Danilo Atabay dakong alas 11:05 ng gabi ay nagpunta ang suspek sa bahay ng mga biktima matapos na malamang sa kanila ibinenta ng kanyang bayaw ang personal na baril nito na isang .45 kalibre ng baril saka pinakiusapang babawiin na lamang ito ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa sigawan at girian .

Inaakala ng sundalo na nasa panganib ang kanyang buhay na naging dahilan upang bunutin nito ang isang pang .45 kalibre ng baril sa kanyang baywang saka pinaputukan ang mga biktima at duguang bumulagta ang mga ito sa sementadong sahig habang tinamaan naman ng stray bullet ang dalawang pang kasamahan nila na nasa kabilang kuwarto ng naturang bahay .

Monday, May 21, 2012

P200,000 pabuya inialok para sa pagdakip sa killer ng abogado at pulis




MALOLOS—Naghanda na ng P200,000 pabuhay ang pamahalaang lungsod ng Malolos para sa ikadarakip ng mga salarin sa pamamaslang sa isang abogado at pulis sa lungsod na ito noong Huwebes, Mayo 17.

Ang pabuya ay inialok ni Mayor Christian Natividad noong Biyernes o isang araw matapos pagbabarilin at mapatay sina Abogado Lysandro Sanches at PO2 Ronnel Coquia sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Tikay ng Lungsod na ito bandang alas-10:45 ng umaga noong Huwebes.

Ang dalawang biktima ay galing sa Regional Trial Court (RTC) Branch 78 kung saan ay dumalo sila sa pagdnig sa kasong robbery na isinampa laban kay Coquia.

Ayon kay Natividad, dapat ng mapigil ang pamamaslang, at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Ito ay bilang tugon sa serye ng pamamaslang sa lungsod na ito na may kaugnayan sa mga taong nagsampa o sinampahan ng kaso sa korte.

Noong Enero 25, binaril at napatay habang sakay ng isang jeepney sa kahabaaan ng McArthur Highway di kalayuan sa kapitolyo si Cristina Roxas, isang negosyante mula sa bayan ng Paombong.

Ang pamamaslang kay Roxas ay naganap ilang minuto matapos niyang lisanin ang RTC sa loob ng bakuran ng kapitolyo.  Siya ay pinaslang bandang alas 11:00 ng umaga.

Una rito, isa pang biktima ang pinaslang rin habang nakasakay sa isang jeepney di kalayuan sa cityhall ng Malolos noong Nobyembre.

Ang biktima ay galing naman sa pagdinig ng kaso sa Municipal Trial Court  (MTC) ng Malolos.

Matatandaan na nito Marso ay ipinatawag ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang pulong para sa peace and order council ng Bulacan upang tugunan ang mga insidente ng kriminalidad sa lalawigan.

Batay sa ulat ng panglalawigang pulisya sa pangunguna ni Senior Supt. Fernando Mendez, mas mababa ang insidente ng kriminalidad sa Bulacan sa taong ito kumpara noong nakaraang taon.

Inayunan ito ni Alvarado, ngunit nagapahayag siya ng pangamba sa pagiging mapangahas ng mga kriminal sa lalawigan.

Ito ay dahil sa kahit tanghaling tapat ay nagsasagawa ang mga ito ng pamamaslang.

Para kay Alvarado, isang insulto sa pamahalaan ang mga pamamaslang at mapapangahas na insidente ng kriminal sa lalawigan.

Dahil dito, inatsan niya ang panglalawigang pulisya na tugisin ang mga kriminal upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lalawigan.

Abogado at pulis patay sa pananambang


MALOLOS— Isang abogado at isang pulis ang pinaslang sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Lungsod na ito kahapon ng umaga, Mayo 17.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Atty. Lysandro Sanchez, residente ng Cavite Street, Gagalangin, Tondo; at ang kanyang kliyente na si PO2 Ronnel Coquia Jr. ng Pilapil Street, Tondo, Manila na sinasabing may kasong highway robbery na naka­binbin sa korte.

Batay sa ulat ng pulisya, bago maganap ang pananambang ay dumalo sa court hearing sa Regional Trial Court (RTC) Branch 78 ang dalawa.

Nabatid na magkasamang sumakay ang dalawa sa Nissan Sentra (PPE-401) kung saan pagsapit sa intersection na may signal light ay pansamantalang huminto.

Dito na sinamantala ng tandem na lapitan at pagbabarilin hanggang sa mapatay ang dalawang nasa loob ng kotse.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng cal.40 pistol habang narekober naman sa loob ng sasakyan ng dalawa ang cal. 9mm revolver na pinaniniwalaang service firearm ng abugado at, mga dokumento na may kinalaman sa iba’t ibang kasong hawak nito.

Wednesday, May 2, 2012

Nata de coco maker selling shabu in Bulacan



by Ramon Efren R. Lazaro
A nata de coco manufacturer based in Santa Maria town has found bigger profit by selling methamphetamine hydrochloride, or shabu.

PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. identified the suspect as Chua Kian Cheng, alias A-Pe Chua, 40 years old, owner of a food manufacturing business in Sta. Maria, Bulacan that is engaged in processing nata de coco.

In a statement, Guitierrez said the suspect claims that he is a native of Xiamen , China and  holds a tourist visa and renews it every three monthsfor the last two and a half years.

. “Coordination is being made with the Bureau of Immigration to verify the claims of the suspect as he could not present his passport,” Gutierrez added.

The suspect was apprehended when operatives of PDEA, supported by elements from the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), conducted a buy-bust operation.
A poseur-buyer was able to transact business with Chua for the purchase of  100 grams of

shabu worth P400,000.00 on April 30 wherein the suspect agreed to rendezvous with the poseur-buyer along Balasing Street , Barangay Pulong Buhangin in Santa Maria town.

 Upon the pre-arranged signal, joint operatives of PDEA and PAOCC apprehended the suspect who has in his posession 100 grams of shabu.

“Chua has the capacity to deal up to 5 kilos of shabu per transaction. We could have entered into a bigger transaction to nail him deeper, but we were constrained by our limited resources,” Gutierrez said.

Guiterrez added that Chua is a member of the Li-Chua Drug Group and has been under the surveillance of PDEA. From 2009, a total of 15 members of the Li-Chua Drug Group have been arrested, including Chua.

The suspectis presently under the custody of PDEA and shall face charges for selling dangerous drugs in violation of Section 5, Article II, Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Gutierrez explained that the Li-Chua Group has operations in Metro Manila and adjacent provinces in Regions 3 and 4A and based on intelligence reports, the said group used to operate two shabu clandestine laboratories dismantled by PDEA in the past two years.

One was the mini-laboratory in Caloocan dismantled in February 2011, and the other one
was in Las PiƱas dismantled in August 2010.

Records show that from 2002 to present, a total of 247 Chinese were arrested by PDEA and other law enforcement units for violating RA 9165. This comprises 53 percent of all the foreign nationals arrested for involvement in illegal drug activities in the country.

This year alone, 11 Chinese have already been apprehended: five were involved in operating the Ayala Alabang clandestine laboratory, the otherswere involved in bulk-selling and possession of shabu.

Tuesday, April 17, 2012

Escort ni Dominguez naputulan ng daliri



LUNGSOD NG MALOLOS – Nagkapira-piraso ang naputol na daliri ng isang jail officer na nag-escort kay Raymond Dominguez matapos aksidenteng pumutok ang kanyang baril.

Ito ay naganap ilang minuto bago muling ihatid sa Bicutan ang itinuturing na carnap king na si Dominguez, at halos 10-minuto matapos siyang hatulan ni Judge Wilfredo Nieves ng Regional Trial Court Branch 84 sa lungsod na ito ng 17 hanggang 30-taong pagkakabilanggo dahil sa kasong carnapping.

Ang jail officer ay nakilalang si Legazpi Cabatcha, 25, ng Mindanao Avenue, Project 8, Quezon City.

Batay sa pahayag ng mga saksi, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kapwa jail officer habang naghihintay ng pagbiyahe pabalik ng ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan.

“Nagulat yung kasamang jailguard, napatakbo,” ani ng isang kawani ng RTC na humiling na huwag banggitin ang pangalan, “pati kami kinapa namin yung sarili namin baka may tama kami.”

Sinabi niya na inakala din umano niya na may iba pang tinamaan bandang alas-9:45 ng umaga ng Martes.

“Nagulat din yung naputukan, pero mas nagulat kami ng itaas yung kamay na dumudugo,” ani ng kawani.

Maging ang ibang kawani ng RTC ay nagulat din sa putok kaya’t sila man ay nagsidungaw sa mga bintana at naglabasan sa tanggapan.

“Akala namin ay si Raymond ang tinira,” sabi ng isa pang kawani ng korte na ayaw ding ipabanggit ang pangalan.

Si Cabatcha ay agad na isinugod sa Bulacan Medical Center at ayon sa mga duktor, ang naganap ay isang self accident.

Agad ding nilisan nina Cabatcha ang Bulacan Medical Center matapos malapatan ng lunas upang makaiwas sa mga mamamahayag na kumakapanayam sa abogado ni Dominguez ng pumutok ang baril ng jail officer.

Hatol kay Dominguez:17-30 taong pagkakabilanggo


 
MALOLOS CITY – Posibleng mabulok na sa bilangguan ang itinuturing na lider ng kilabot na carnap group na si Raymond Dominguez matapos na siya ay hatulan kahapon ng 17 hanggang 30-taong ng pagkakabilanggo.

Ito ay batay sa 11 pahinang desisyong inilabas ni Judge Wilfredo Nieves ng Regional Trial Court Branch 84 kung saan ay nahatulang guilty si Dominguez sa kasong carnapping.

Ngunit dinismis naman ni Nieves ang kasong robbery laban sa itinuturing na carnap king matapos na hindi ito mapatunayan sa korte ng prosekusyon.

Hinggil naman sa sinasabing dalawang kasabwat ni Dominguez, ang kasong carnapping ay ipina-archive ni Nieves hanggang sa maaresto ang mga ito upang muling buksan ang kaso.

Kaugnay nito, sinabi ni Jose Cruz, abogado ni Dominguez na iaapela nila sa Court of Appeals and nasabing desisyon.

Umaasa rin si Cruz na magiging paborable ang magiging tugon sa kanila ng CA dahil sa ang kasong robbery laban sa kanyang kliyente ay dinismis ng RTC.

Ito raw ay dahil sa hindi napatunayan ang pagkakakilanlan ng suspek.

Ang kasong carnapping laban kay Dominguez ay nag-ugat sa insidente ng carnaping sa Saog, Marilao noong Enero 14, 2010 kung saan ay inagaw sa isang Dante Escoto ang isang itim na Toyota Fortuner na may plakang ZGW-872 na nagkakahalaga ng P1.6-milyon.

Ayon kay Escoto, naghahanap lamang siya noon ng pamalit na matting para sa Fortuner na service vehicle ng lumapit ang tatlong lalaki na ang isa ay nakilala niyang si Dominguez sa isang police rogue photo gallery.

Bukod sa Fortuner, natangay din kay Escoto ang mga alahas, cash, laptop at iba pang kagamitan na nagkakahalaga ng P116,000.

Thursday, March 22, 2012

Hamon ng obispo, wakasan ang krisis sa kriminalidad



MALOLOS—Tahasang hinamon ng simbahan ang admnistrasyong Aquino na wakasan ang krisis sa kriminalidad sa bansa, sa halip na malibang sa panonood ng impeachement trial.

Hinamon din ng simbahan ang pambansang pulisya na tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsawata sa krimen, sa halip na pagtukoy lamang sa mga nasa likod ng krimen.

Ayon kay Obispo Jose Oliveros ng Diyosesis ng Malolos,  hindi na biro ang mga kaso ng kriminalidad sa bansa, at ito ay dapat tugunan ng pamahalaang pambansa at lokal.

“What’s happening in Bulacan is not isolated, it’s a picture of crisis today that is happening all over the country,” ani Oliveros.

Iginiit pa niya, “Ano ba talaga ang ginagawa ng gobyerno, may political will ba to fight criminality in our midst?

Ang problema naka-concentrate sa impeachment, pero ang daming patayan, nakikidnap, ninanakawan araw-araw in other parts of the country.”

Ang tinutukoy ng obispo ay ang mga krimen sa Bulacan, maging sa Mindanao, Visayas at kalakhang Maynila.

Sinabi pa niya na wala sa kalingkingan ng krimeng nagaganap sa ibang bahagi ng bansa ang mga krimen sa Bulacan araw-araw.

Nitong Miyerkoles, isang manggagawa ng simbahan ang iniulat na pinaslang sa lungsod na ito, matapos ang sunod-sunod na krimen na tinampukan ng mga mapapanagahas na pamamaslang.

Ang mga pamamaslang sa lalawigan ay ipinangamba ng mga negosyante, at nagtulak naman kay Gob. Wilhelmino Alvarado upang pulungin ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) noong Marso 5.

Batay sa ulat ng pulisya, bumaba ang bilang ng krimen sa Bulacan noong 2011 kumparra sa naitala noong 2010.

Ipinagmalaki rin ng pulisya na bumaba ang bilang ng krimen sa lalawigan sa unang dalawang buwan ng taon kumpara sa katulad na panahon noong 2011.

Sa kabila nito, ipinayo ni Alvarado ang mas madalas na pulong ng PPOC upang tugunan ang lumalalang krimen na naghahatid ng pangamba sa mga negosyante.

Inamin din ni Alvarado na maging siya ay nangamba sa pagiging mapangahas ng mga kriminal sa paggawa ng krimen, dahil karaniwan sa mga ito ay tanghaling tapat nang isagawa.

Ayon pa sa gobernador, isang insulto sa gobyerno at pulisya ang pagiging mapangahas ng mga kriminal.

Kabilang sa mga pinaslang ng tanghaling tapat sa Bulacan ay ang negosyanteng si Cristina Roaxas ng Paombong na binaril at napatay habang nakasakay sa isang pampasaherong jeepney di kalayuan sa bakuran ng kapitolyo.

Pinagbabaril din at napatay ang isang abogado sa loob ng kanyang tanggapan sa Lungsod ng San Jose Del Monte.

Ang dalawang insidente ay kapwa naganap sa pagitan ng alas 11 ng umaga at alas-12 ng tanghali noong nakaraang buwan.

Wednesday, March 21, 2012

Military and Police Coddling Morong 43 Rights Violators, AFP and PNP Give Victims the Run-Around



 Months after summons have been issued by a Quezon City Regional Trial Court, several respondent military personnel and police officers in the P15-million damage suit filed by the Morong 43 health workers remained officially unnotified of the charges. The National Union of People's Lawyers (NUPL), counsel for the complainants, asked the Philippine National Police (PNP) and Brig. Gen. Herbert Yambing of the Office of the Provost Marshall General of the Armed Forces of the Philippines (AFP) to locate and provide information on the “missing” respondents but to no avail.

 “This is tantamount to a cover-up of the military and the police for their peers whose accountability is being sought for their involvement in brazenly violating the rights of the Morong 43 health workers,” said the NUPL through its Assistant Secretary for Legal Services Atty. Ephraim Cortez.

Addressed at their last known assignments, the summons against Gen. Jorge Segovia, Lt. Col. Cristobal Zaragosa, Col. Aurelio Baladad, Lt. Col. Jaime Abawag, Maj. Manuel Tabion and P/Supt. Marion Balonglong were returned unserved on the ground that they were no longer assigned thereat.

 “With their cynical unwillingness to cooperate, state forces have put up another roadblock to justice that effectively frustrates efforts to seek accountability for human rights violations against the Morong 43 health workers,” said Cortez.

In a letter sent to the NUPL, Yambing declined to give information on the whereabouts of the military personnel purportedly because his office has “no direct knowledge” on the whereabouts of the military officers and that he supposedly has no authority to release such information. On the other hand, the PNP, through Records Management Division Chief Manuel Gaerlan, CEO VI, said in its reply that the names of P/Supt. Balolong and P/Supt. Nubleza, who have been publicly known to be part of the service, strangely do not appear in the roster of the PNP.



“Either they are  deliberately  hiding any information about those involved or they are giving us a run-around through technicalities in  disclosing very simple standard details about their personnel for the purpose of serving summons, or both” Atty. Cortez said.

The summons to the respondents in what is considered the first civil case for human rights violations against former President Gloria Arroyo and her security forces were issued last November 28, 2011. The Morong 43 health workers were illegally arrested in Morong, Rizal on February 2010. They were illegally arrested, detained, and tortured on the baseless charges of being members of the New People’s Army (NPA). Against all odds, they had filed the countersuit way back in April 2011.

 Aside from Segovia, Zaragosa, Baladad, Abawag, Tabion, Balonglong and former President Arroyo, the other respondents in the case are former Defense Secretary Norberto Gonzales, Gen. Victor Ibrado, and Gen. Delfin Bangit.

 “This obstructionist attitude demonstrates the manifest bias of the military and the police in favour of those from their ranks who commit rights violations,” Atty. Cortez said.

 “And it  shows once again how hard and sometimes frustrating it is to pursue justice for human rights violations under the present legal and judicial system  and how impunity is perpetrated before, during and after a violation,” NUPL Secretary General Atty.  Edre U. Olalia added. “But we shall not let up. They cannot just get away with it just like that.”#