HAGONOY, Bulacan—Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang
36-anyos na single mother sa bayang ito ng barilin siya sa ulo ng hindi pa
nakikilalang suspek kamakalawa ng umaga.
Ang biktima ay nakilalang si Marily Perez, 36 anyos, may
tatlong anak, hiwalay sa asawa at residente ng Barangay Mercado sa bayang ito.
Si Perez ay pinaslang habang dinadalaw ang puntod ng kanyang
ina na inilibing noong Oktubre 27 sa Sto. Rosario Cemetery, na nasa likod lamang ng simbahan ng parokya ni Sto. Rosario.
Kasama niya ang
kanyang pamangkin na nakilala sa pangalang Jessica Perez ng maganap ang
pamaslang, ilang minuto matapos ang pang alas-singkong misa na kanilang
dinaluhan sa nasabing simbahan.
Ayon sa mga
kaanak at kaibigan ng biktima, ang magtiyahim lamang ang pumasok sa sementeryo
dahil sa high tide noong Linggo ng umaga.
Habang nagdarasal
sa harap ng puntod ng ina ang biktima ay isang lalaking nakasuot ng bone tang
lumapit at inakbayan ang biktima pagkatapos ay pinapautukan sa ulo.
Agad na
humandusay ang katawan ni Perez samantalang si Jessica ay nagsisigaw upang
humingi ng saklolo, ngunit tinutukan din siya ng baril ng suspek.
Gayunpaman, hindi
pinaputukan si Jessica, sa halip ay pinaputukan pa ng dalawang beses ng suspek
si Perez.
Ang insidente ay
agad namang nabalita sa bayang ito ng banggitin ito sa sermon ni Fr. Jess Cruz
sa misang isinagawa sa simbahan ng Sta. Ana sa kabayan ng bayang ito.
Kaugnay nito,
sinabi ng pulisya na kasalukuyan pa
nilang tinutukoy ang motibo sa pamamaslang.
(Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment