Libing ni Renato Ignacio |
MALOLOS—Tatlong
katao kabilang ang babaeng negosyante na diumano’y ginahasa pa ang inulat na
pinaslang sa lalawigan ng Bulacan sa loob lamang ng isang linggo.
Isa
naman ang nakaligtas matapos pagbabarilin habang naghahapunan kasama ang
kanyang mister, ngunit sinawimpalad ang lalaki.
Batay
sa ulat ng pulisya na naipon ng Mabuhay, ang mga biktima ay nakilalang sina
Sanny Gan, isang negosyante sa bayan ng San Miguel; Renato Ignacio, kapatid ng
pinaslang na pulis sa San Rafael; at si PO2 Shane Michael Cruz ng Barangay
Virgen De Los Flores sa bayan ng Baliwag, Bulacan at nakatalaga sa bayan ng Pandi.
Ang
mga insidente ay naitala sa pagitan ng Oktubre 17 hanggang 20.
Batay
sa ulat ng pulisya, brutal na kamatayan ang sinapit ni Gan, 22-anyos, isa negosyante
na nakatira sa Barangay Poblacion San Miguel.
Siya
ay pinaslang noong Oktubre 17 ng gabi sa pamamagitan ng maraming saksak sa
katawan.
Hinihinalang
ginahasa pa ang biktima bago paslangin dahil natagpuan ang pulisya ang short
pants ng isa sa mga nahuling suspek sa kawarto ng biktima kung saan natagpuan
ang kanyang bangkay.
Nadakip
naman ng pulisya angmagkapatid na Romeo at Marlon Martinez, kapwa katiwala sa
bahay ng biktima at nakatira sa Barangay Tigpalas ng nasabing bayan.
Noong
Sabado, Oktubre 20, hindi na natapos ang hapunan ni Renato Ignacio ng
pagbabarilin habang kumakain sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sampaloc sa bayan
ng San Rafael
Si
Ignacio ay nakababatang kapatid ni SPO4 Norberto Ignacio,na pinatay noong Abril
15.
Himala
namang nakaligtas ng kanyang maybahay na si Josephine na tinamaan ng bala sa
dibdib at ngayon ay nasa Bulacan Medical Center.
Si
Ignacio at tinamaan ng bala sa ulo na kanyang ikinamatay noon din.
Batay
sa imbestigasyon ng pulisya, kumakain ng hapunan bandang alas 7 ng gabi noong
Sabado ang mga biktima ng biglang pumasok sa pinto ng kanilang kusina ang isang
di nakilalang suspek at pinaputukan sila.
Agad
na namatay sa Ignacio ng tamaan sa ulo at binalingan naman ng suspek ang kanyang
maybahay at binaril sa kaliwang dibdib.
Ayon
sa pulisya, posibleng may kaugnayan ang pamamaslang sa naunang pagpatay sa nakatatandang
kapatid ng biktima na si Nortberto.
Pinag-aaralan
din nila ang posibilidad na hindi si Renato ang target dahil ang isa pang
kapatid na nakilalang si Cesar ay sa bahay ding iyon nakatira.
Ayon
sa mga source, si Cesar ang nakakaalam at nakakakilala sa mga saksi sa pagpatay
sa kanilang kapatid na si Boy na pinatay matapos makaalitan sa sabungan sa
bayan ng Baliuag ang anak ng isang pulitiko sa San Rafael.
Ayon
sa ilang residente, ang pamamaslang kayNorberto ay naganap ilang araw matapos
makaalitan ang anak ng pulitiko na
nagbantang uubusin ang kanyang pamilya.
Sa
bayan ng Pandi, napatay si PO2 Shane Michael Cruz noong Luines, Oktubre 22
matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo.
Apat
na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Cruz, samantalang nasugatan ang isa sa mga
suspek na si Francisco Cullado na nabaril ng kasamang pulis ng biktima.
ang
isa sa suspek na si Allan Bantilan na tumakas matapos ang pamamaril.
Ayon
kay Chief Insp. Sabino Vengco III, , sinita ng biktima ang dalawang lalaki na
magkaangkas sa motorsiklo na ang plaka ay tinakpan ng karton kung saan napansin
ding may nakasukbit na baril sa baywang ang backrider.
No comments:
Post a Comment