MALOLOS— Isang abogado at isang pulis ang pinaslang sa
kahabaan ng MacArthur Highway sa Lungsod na ito kahapon ng umaga, Mayo 17.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Atty. Lysandro Sanchez, residente
ng Cavite Street,
Gagalangin, Tondo; at ang kanyang kliyente na si PO2 Ronnel Coquia Jr. ng
Pilapil Street, Tondo, Manila na sinasabing may kasong highway robbery na
nakabinbin sa korte.
Batay sa ulat ng pulisya, bago maganap ang pananambang ay
dumalo sa court hearing sa Regional Trial Court (RTC) Branch 78 ang dalawa.
Nabatid na magkasamang sumakay ang dalawa sa Nissan Sentra (PPE-401)
kung saan pagsapit sa intersection na may signal light ay pansamantalang
huminto.
Dito na sinamantala ng tandem na lapitan at pagbabarilin
hanggang sa mapatay ang dalawang nasa loob ng kotse.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng cal.40 pistol
habang narekober naman sa loob ng sasakyan ng dalawa ang cal. 9mm revolver na
pinaniniwalaang service firearm ng abugado at, mga dokumento na may kinalaman
sa iba’t ibang kasong hawak nito.
No comments:
Post a Comment