MALOLOS—Nahaharap
ngayon sa kasong multiple parricide ang isang 33-anyos na ina mula sa Lungsod
ng Meycauayan matapos paslangin at sunugin ang kanyang apat na anak na may edad
siyam, pito, tatlo at isang taong gulang.
Ang
suspek ay kinilala ni Senior Superintendent Joel Orduna,direktor ng pulisya sa
Bulacan na si Marie Dexter Darlucio, 33, residente ng Berbosa Apartment sa Hulo
Street, Barangay Iba, Lungsod ng Meycauayan.
Ang
mga biktima at nakilalalng sina Karyl Franz, 9; Seth Benedict, 7; Zane Jacob,
3; at York Joshua, 1.
Lahat
sila ay anak ng suspek at may apelyidong Darlucio.
Batay
sa imbestigasyon ng pulisya, natawag ang pansin ng mga kapitbahay ng suspek at
mga biktima noong madaling araw ng Linggo, Marso 16 dahil sa nasusunog na
apartment ng mga ito.
Agad
silang tumawag ng bumbero upang maaapula at hindi kumalat ang apoy sa oba pang
bahay.
Matapos
ang sunod, ikinagulat nila ng matagpuan sa ikalawang palapag ng apartment ang
magkakatabing bangkay ng apat na bata.
Ngunit
higit nilang ikinagimbalang pag-amin ni Marie Dexter na siya mismo ang
pumaslang sa kanyang mga anakat nagsimula ng sunog.
Ayon
sa imbestigasyon ng pulisya, inamin ni Marie Dexter na pinagsasaksak niya ang kanyang apat na anak
habang natutulog.
Pagkatapos
ay sinunog ang apartment.
Sa
panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Marie Dexter na hindi niya pinagsisisihan
ang kanyang ginawa, sa halip ay sinisi pa ang ama ng kanyang mga anak.
Si
Marie Dexter aty nadakip noong ding Linggo at ipiniit sa Meycauayan Jail.
Siya
ay nahaharap ngayon sa kasong multiple parricide. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment