P/Supt. Rizalino Andaya ng Hagonoy |
HAGONOY,
Bulacan—Nagpahayag ng pangamba ang mga residente ng bayang ito hinggil sa
lumalalang kalagayan ng kriminalidad matapos ang isa pang insidente ng
pamamaslang noong Lunes ng umaga, Enero 20.
Ang
pamamaslang ay naganap ilang minuto bago isagawa ang national day of prayer sa
bakuran ng kapitiolyo noong araw ding iyon.
Bukod
dito, isang pang pulis ang nasugatan sa nasabing insidente na ikinagulat ng
maraming resident eng Hagonoy.
“Ano
ba ang nangyayari sa bayan natin, bakit linggo-linggo na lang ang may
pinapatay,” sabi ni Rosalia Montehermoso ng Barangay San Agustin.
Ang
pahayag na ito ay inayunan pa ng maraming residente na nagpahayag ng kanilang
pangamba sa facebook fan page ng Mabuhay.
Ang
pagkadismaya ng mga residente ay kaugnay ng pagpaslang kay PO1 Alexis Francisco,
isang dating pulis sa bayang ito na ayon sa ilang kaibigang pulis ay
kasalukuyang naka-destino sa lalawigan ng Aurora.
Si
Francisco ay isang dating kasapi ng Hagonoy Drug Enforcement Unity (DEU).
Ang
nasugatan naman ay nakilalang si PO1 JD Ventura na isinugod naman sa Bulacan
Medical Center sa Lungsod ng Malolos.
Batay
sa inisyal na imbestigasyon, kumakain ng almusal ang dalawang pulis ng
pagbabarilin ng dalawang suspek sa Barangay San Agustin ng Bayang ito bandang
alss 7:30 noong umaga.
Ayon
kay Andaya, ang dalawang suspelkay may kasama pang dalawa at tumakas ng
dalawang motorsiklong XRM.
Nakarekober
ng mga basyo ng balang kalibre 45 sa crime scene.
Ang
insidente ay naganap matapos ang masaker sa pamilya ni Andres Vengco noong
December 26,insidente ng stray bullet noong Enero 1 at pagpatay kay Rodolfo
Reyes ng Barangay San Pascual noong Enero 9, at pagpatay sa retiradong principal na si
Lucia Manila nitong Enero 12.
Dalawa
ang inaresto ng pulisya sa pagpatay sa retiradong guro, samantalang patuloy ang
imbestigasyon sa kaso ni Vengco at dalawang anak na ayon sa pulisya ay posibleng may kinalaman sa iligal na
droga. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment