Monday, April 14, 2014

P200,000 pabuya inialok, pamamaslang sa staff ni Fermin kinondena


Ang larawang ito ni Edwin Inocencio ay nagmula sa kanyang Facebook account.
 


MALOLOS—Nag-alok ng P200,000 pabuya ang alkalde ng lungsod na ito para sa ikadarakip sa mga suspek sa pagpaslang kay Edwin Inocencio, ang chief of staff ni Bokal Michael Fermin.

Kaugnay nito, binuo ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) Task Force Inocencio ilang oras matapos ang pamamaslang noong Huwebes, samantalang napahayag ng pakondena si Fermin sa pamamaslang kay Inocencio.

Ang pag-aalok ng pabuya at pagbuo ng TF Inocencio ay kapwa naglalayon na mapabilis ang paglutas sa kaso ng pamamaslang.

Ayon kay Mayor Christian Natividad ng lungsod na ito, nakahanda silang magbigay ng pabuyang P200,000 para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin.

Ang pagbibigay ng pabuya ay inilahad ni Natividad ilang oras matapos paslangin ni Inocencio noong Huwebes ng umaga.

Kaugnay nito, sinabi ni Superintendent Donato Bait, hepe ng pulisya sa lungsod na ito na binuo na ng BPPO ang Task Force Inocencio.

Ayon pa sa hepe, patuloy silang nag-iipon ng ebidensiya upang matukoy ang motibo at salarin sa pamamaslang.

Gayunpaman, hindi isinasantabi ng pulisya ang anggulo ng pulitika batay na rin sa pahayag ni Bokal Michael Fermin na pulitika ang kanilang nakikitang motibo sa pamamaslang sa kanyang Chief of Staff.

Kinumpirma ni Bait na nag-ulat na sa pulisya si Fermin na nakakatanggap ng pagbabatan sa buhay.

Kinumpirma din ni Bait na isa lamang sa mga suspek ang nagpaputok hanggang mapatay ang biktima.

Umabot sa pitong bala ng kalibre .45 ang tumama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ni Inocencio.

Samantala, kinondena ni Fermin ang pagpaslang sa kanya Chief of Staff na inilarawan din niya na isang karuwagan.

“We condemn such act of cowardice,” sabi ni Fermin sa kanyangopisyal na pahayag noong Biyernes ng umaga.

Iginiit pa niya na, "it is with a heavy heart that I announce the tragic loss of a great friend and brother. April 10 is the day we commemorate the grief and devastation due to an unfavorable event - an assassination - brought about by two unnamed gunmen to a very honorable man, Edwin Inocencio.”

Tiniyak din ni Fermin na hindi sila titigil hanggat hindi natutukoy ang mga may kagagawan ng pamamaslang, at hanggang sa magkaroon ng katarungan ang pamamaslang kay Inocencio.

Bilang chief of staff ni Fermin, si Inocencio ay nagsisilbi ring isang malapit na tagapayo ng Bokal.

Si Inocencio ay ang ikatlong residente ng Hagonoy na naglilingkod sa pamahalaan na binaril mula noong Enero.

Ang una ay si PO2 Alex Francisco na binaril at napatay noong Enero 20; kasunod ay si Konsehala Francis Dianne Cervantes na binarilnoong Marso 25.

Kaugnay nito, nakaligtas di Cervantes sa pagtatangka sakanyang buhay at kasalukuyang nagpapagaling.  Dino Balabo

No comments:

Post a Comment