Monday, April 14, 2014

P200,000 pabuya inialok, pamamaslang sa staff ni Fermin kinondena


Ang larawang ito ni Edwin Inocencio ay nagmula sa kanyang Facebook account.
 


MALOLOS—Nag-alok ng P200,000 pabuya ang alkalde ng lungsod na ito para sa ikadarakip sa mga suspek sa pagpaslang kay Edwin Inocencio, ang chief of staff ni Bokal Michael Fermin.

Kaugnay nito, binuo ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) Task Force Inocencio ilang oras matapos ang pamamaslang noong Huwebes, samantalang napahayag ng pakondena si Fermin sa pamamaslang kay Inocencio.

Ang pag-aalok ng pabuya at pagbuo ng TF Inocencio ay kapwa naglalayon na mapabilis ang paglutas sa kaso ng pamamaslang.

Ayon kay Mayor Christian Natividad ng lungsod na ito, nakahanda silang magbigay ng pabuyang P200,000 para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin.

Ang pagbibigay ng pabuya ay inilahad ni Natividad ilang oras matapos paslangin ni Inocencio noong Huwebes ng umaga.

Kaugnay nito, sinabi ni Superintendent Donato Bait, hepe ng pulisya sa lungsod na ito na binuo na ng BPPO ang Task Force Inocencio.

Ayon pa sa hepe, patuloy silang nag-iipon ng ebidensiya upang matukoy ang motibo at salarin sa pamamaslang.

Gayunpaman, hindi isinasantabi ng pulisya ang anggulo ng pulitika batay na rin sa pahayag ni Bokal Michael Fermin na pulitika ang kanilang nakikitang motibo sa pamamaslang sa kanyang Chief of Staff.

Kinumpirma ni Bait na nag-ulat na sa pulisya si Fermin na nakakatanggap ng pagbabatan sa buhay.

Kinumpirma din ni Bait na isa lamang sa mga suspek ang nagpaputok hanggang mapatay ang biktima.

Umabot sa pitong bala ng kalibre .45 ang tumama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ni Inocencio.

Samantala, kinondena ni Fermin ang pagpaslang sa kanya Chief of Staff na inilarawan din niya na isang karuwagan.

“We condemn such act of cowardice,” sabi ni Fermin sa kanyangopisyal na pahayag noong Biyernes ng umaga.

Iginiit pa niya na, "it is with a heavy heart that I announce the tragic loss of a great friend and brother. April 10 is the day we commemorate the grief and devastation due to an unfavorable event - an assassination - brought about by two unnamed gunmen to a very honorable man, Edwin Inocencio.”

Tiniyak din ni Fermin na hindi sila titigil hanggat hindi natutukoy ang mga may kagagawan ng pamamaslang, at hanggang sa magkaroon ng katarungan ang pamamaslang kay Inocencio.

Bilang chief of staff ni Fermin, si Inocencio ay nagsisilbi ring isang malapit na tagapayo ng Bokal.

Si Inocencio ay ang ikatlong residente ng Hagonoy na naglilingkod sa pamahalaan na binaril mula noong Enero.

Ang una ay si PO2 Alex Francisco na binaril at napatay noong Enero 20; kasunod ay si Konsehala Francis Dianne Cervantes na binarilnoong Marso 25.

Kaugnay nito, nakaligtas di Cervantes sa pagtatangka sakanyang buhay at kasalukuyang nagpapagaling.  Dino Balabo

Saturday, March 22, 2014

4 na anak pinaslang at sinunog ng ina




MALOLOS—Nahaharap ngayon sa kasong multiple parricide ang isang 33-anyos na ina mula sa Lungsod ng Meycauayan matapos paslangin at sunugin ang kanyang apat na anak na may edad siyam, pito, tatlo at isang taong gulang.

Ang suspek ay kinilala ni Senior Superintendent Joel Orduna,direktor ng pulisya sa Bulacan na si Marie Dexter Darlucio, 33, residente ng Berbosa Apartment sa Hulo Street, Barangay Iba, Lungsod ng Meycauayan.

Ang mga biktima at nakilalalng sina Karyl Franz, 9; Seth Benedict, 7; Zane Jacob, 3; at York Joshua, 1.

Lahat sila ay anak ng suspek at may apelyidong Darlucio.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, natawag ang pansin ng mga kapitbahay ng suspek at mga biktima noong madaling araw ng Linggo, Marso 16 dahil sa nasusunog na apartment ng mga ito.

Agad silang tumawag ng bumbero upang maaapula at hindi kumalat ang apoy sa oba pang bahay.

Matapos ang sunod, ikinagulat nila ng matagpuan sa ikalawang palapag ng apartment ang magkakatabing bangkay ng apat na bata.

Ngunit higit nilang ikinagimbalang pag-amin ni Marie Dexter na siya mismo ang pumaslang sa kanyang mga anakat nagsimula ng sunog.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, inamin ni Marie Dexter na pinagsasaksak niya ang kanyang apat na anak habang natutulog.

Pagkatapos ay sinunog ang apartment.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Marie Dexter na hindi niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa, sa halip ay sinisi pa ang ama ng kanyang mga anak.

Si Marie Dexter aty nadakip noong ding Linggo at ipiniit sa Meycauayan Jail.

Siya ay nahaharap ngayon sa kasong multiple parricide. Dino Balabo

Saturday, January 25, 2014

Sunod-sunod na krimen ipinagamba, pulis ang huling biktima


P/Supt. Rizalino Andaya ng Hagonoy



HAGONOY, Bulacan—Nagpahayag ng pangamba ang mga residente ng bayang ito hinggil sa lumalalang kalagayan ng kriminalidad matapos ang isa pang insidente ng pamamaslang noong Lunes ng umaga, Enero 20.

Ang pamamaslang ay naganap ilang minuto bago isagawa ang national day of prayer sa bakuran ng kapitiolyo noong araw ding iyon.

Bukod dito, isang pang pulis ang nasugatan sa nasabing insidente na ikinagulat ng maraming resident eng Hagonoy.

“Ano ba ang nangyayari sa bayan natin, bakit linggo-linggo na lang ang may pinapatay,” sabi ni Rosalia Montehermoso ng Barangay San Agustin.

Ang pahayag na ito ay inayunan pa ng maraming residente na nagpahayag ng kanilang pangamba sa facebook fan page ng Mabuhay.

Ang pagkadismaya ng mga residente ay kaugnay ng pagpaslang kay PO1 Alexis Francisco, isang dating pulis sa bayang ito na ayon sa ilang kaibigang pulis ay kasalukuyang naka-destino sa lalawigan ng Aurora.

Si Francisco ay isang dating kasapi ng Hagonoy Drug Enforcement Unity (DEU).

Ang nasugatan naman ay nakilalang si PO1 JD Ventura na isinugod naman sa Bulacan Medical Center sa Lungsod ng Malolos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, kumakain ng almusal ang dalawang pulis ng pagbabarilin ng dalawang suspek sa Barangay San Agustin ng Bayang ito bandang alss 7:30 noong umaga.

Ayon kay Andaya, ang dalawang suspelkay may kasama pang dalawa at tumakas ng dalawang motorsiklong XRM.

Nakarekober ng mga basyo ng balang kalibre 45 sa crime scene.

Ang insidente ay naganap matapos ang masaker sa pamilya ni Andres Vengco noong December 26,insidente ng stray bullet noong Enero 1 at pagpatay kay Rodolfo Reyes ng Barangay San Pascual noong Enero 9,  at pagpatay sa retiradong principal na si Lucia Manila nitong Enero 12.

Dalawa ang inaresto ng pulisya sa pagpatay sa retiradong guro, samantalang patuloy ang imbestigasyon sa kaso ni Vengco at dalawang anak na ayon sa pulisya  ay posibleng may kinalaman sa iligal na droga. (Dino Balabo)