Para kay Police Senior Supt. Fernando Mendez (kaliwa), direktor ng pulisya sa Bulacam payapa ang lalawigan. |
MALOLOS—Sa
pangkalahatan, payapa ang Bulacan, ayon sa pulisya; ngunit nagpahayag naman ang
military ng pagpapaigting sa kampanya laban sa mga rebeldeng komunista.
Para naman kay Gob. Wilhelmino Alvarado, dapat magpulong ang
Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Bulacan ng apat na beses sa loob
ng isang taon upang matugunan ang lumalalang insidente ng kriminalidad.
Ito ang
magkakahiwalay na pahayag ng mga pinuno sa lalawigan kaugnay ng unang pulong ng
PPOC sa tong ito na ipinatawag ni Alvarado dahil sa tumataas na insidente ng
mapangahas na krimen sa Bulacan na ayon sa kanya ay “isang insulto sa kakayahan
gobyerno.”
Ayon kay Senior
Supt. Fernando Mendez, Bulacan police director, bumaba sa 14,155 ang ang bilang
ng krimen na naitala sa lalawigan noong 2011, kumpara sa naitalang 20,202 noong
2010.
Binanggit din niya na tumaas 3.70 porsyento ang crime
solution ng pulisya sa taong 2011 kumpara sa naitalang 8.50 porsyento noong
2010.
Ayon pa kay Mendez, bumaba rin sa 1,802 ang naitalang
krimen sa lalawigan sa unang dalawang buwan ng taon kumpara sa 2,943 bilang ng
krimen sa lalawigan na naitala noong Enero at Pebrero 2011.
“Despite
crimes committed in the province recently, Bulacan remains generally peaceful,”
ani Mendez.
Iginiit niya
na patuloy ang pagpapataas ng kakayahan ng pulis, bukod sa pagpapaigting ng
pagpapatrulya sa mga pangunahing lansangan.
Bukod dito,
hiniling din ni Mendez ang tulong ng kapitolyo para sa pagpapaunlad ng
kakayahan at kagamitan ng mga kasapi ng Special Weapons and Tactics (SWAT)
Group na tinawag din niya na “crisis group.”
Para namn kay Col.
Hilario Lagnada ang kumander ng 56th Infantry Battalion, higit nilang
napahina ang puwersa ng remebleng komunista sa lalawigan.
Sinabi niya na
sa kabila ng kakayahan ng mga rebelde na magsagawa ng mga partisan operation,
hindi naman sapat ang kasanayan ng mga ito at nahihirapang maka-ingganya ng
ngmga kasapi.
Ipinagmalaki
ni Lagnada ang ilang engkwentro nila sa mga rebelde sa kabundukan ng Bulacan na
nagbunga upang mabawasan ang sandatahang kasapi ng mga ito at sa pagkakatuklas
ng mga imbakan ng baril noong nakaraang Pebrero 14. sa bulubunduking bayan ng Donya
Remedios Trinidad.
Sa kabila
naman ng pananagumpay na ito, iginiit ni Alvarado ang patuloy na pagtugis sa
mga kriminal at mga rebelde sa lalawigan.
Ito ay dahil
sa nagiging mapangahas ang mga kriminal sa kanilang paggawa ng krimen na
karaniwang ginagawa kung araw.
“Hindi simpleng
activity yan, hinihiya na nila ang gobyerno. Insulto na sa kakayahan ng
gobyerno ang mga criminal activities conducted on broad day light,” ani
Alvarado.
No comments:
Post a Comment