MALOLOS
CITY—Naghihimas ng
malamig na rehas ngayon ang isang binata sa bayan ng San Miguel, Bulacan
matapos siyang maituro ng kanyang biktimang pastol ng itik bago ito tuluyang
namatay kamakalawa ng gabi.
Ang suspek ay nakilalang si Richard Felipe, 28 binata,
residente ng Brgy. Batasang Matanda sa nasabing bayan.
Siya ay naituro ng kanyang biktima na si Rolando Ortega, 42,
anyos, tubong Albay, pastol ng itik ni Lauro Luris, at residente rin ng Brgy.
Batasang Matanda.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Reggie Valenzuela,
binabantayan ng biktima amga itik ni Luris bandang alas10:40 noong Lunes ng
gabi ng dumating ang suspek na armado ng isang shotgun.
Walang sabi-sabing pinaputukan ng malapitanng suspek ang
biktima ng dalawang beses, pagkatapos ay tumakas.
Naisugod pa sa
San Miguel District Hospital ang biktima, at sa kabila ng mga sugat na tinamo
mula sa shotgun ay nasabi nito kung sino ang bumaril sa kanya.
Inilipat sa Bulacan Medical Center si Ortega, ngunit
pagdating doon ay idineklara itong dead on arrival.
Ayon pa sa
imbestigasyon ni PO3 Valenzuela, may matandang alitan ang suspek at ang amo ni
Ortega na si Luris.
No comments:
Post a Comment