Dalawa katao ang namatayat dalawa pa ang nasugatanmatapos
pagbabarilin ng isang kasapi ng Scout
Ranger sa lungsod ng San Jose Del Monte noong Biyernes ng gabi.
Ang mga biktima na nakilalang sina Vicente Sinugbuan
35,factory supervisor at asawa nitong si Morena Sinugbuan 32 bunsod ng tama ng
baril sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.
Nasugatan naman sina Jennifer Horario, 17 at Merlanie Cuevas
67 na tinamaan din ng bala sa kanilang katawan pawang mga residente ng Palmera
Homes,Brgy.Kaypian sa sa SJDM.
Kasalukuyan pang pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Pfc.
Maximo Pasquing na nakatalaga sa 12th Scout Ranger Company ng Phil.Army na
nakabase sa Basilan na nakatakas habang nakikipagbarilan sa mga kagawad ng
pulisya na rumisponde sa naturang lugar .
Base sa imbestigasyon ni PO1 Danilo Atabay dakong alas 11:05
ng gabi ay nagpunta ang suspek sa bahay ng mga biktima matapos na malamang sa
kanila ibinenta ng kanyang bayaw ang personal na baril nito na isang .45
kalibre ng baril saka pinakiusapang babawiin na lamang ito ngunit sa hindi
malamang dahilan ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa
sigawan at girian .
Inaakala ng sundalo na nasa panganib ang kanyang buhay na
naging dahilan upang bunutin nito ang isang pang .45 kalibre ng baril sa
kanyang baywang saka pinaputukan ang mga biktima at duguang bumulagta ang mga
ito sa sementadong sahig habang tinamaan naman ng stray bullet ang dalawang
pang kasamahan nila na nasa kabilang kuwarto ng naturang bahay .