Ang larawang ito ni Edwin Inocencio ay nagmula sa kanyang Facebook account. |
MALOLOS—Nag-alok
ng P200,000 pabuya ang alkalde ng lungsod na ito para sa ikadarakip sa mga
suspek sa pagpaslang kay Edwin Inocencio, ang chief of staff ni Bokal Michael
Fermin.
Kaugnay
nito, binuo ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) Task Force Inocencio
ilang oras matapos ang pamamaslang noong Huwebes, samantalang napahayag ng
pakondena si Fermin sa pamamaslang kay Inocencio.
Ang
pag-aalok ng pabuya at pagbuo ng TF Inocencio ay kapwa naglalayon na mapabilis
ang paglutas sa kaso ng pamamaslang.
Ayon
kay Mayor Christian Natividad ng lungsod na ito, nakahanda silang magbigay ng
pabuyang P200,000 para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin.
Ang
pagbibigay ng pabuya ay inilahad ni Natividad ilang oras matapos paslangin ni
Inocencio noong Huwebes ng umaga.
Kaugnay
nito, sinabi ni Superintendent Donato Bait, hepe ng pulisya sa lungsod na ito
na binuo na ng BPPO ang Task Force Inocencio.
Ayon
pa sa hepe, patuloy silang nag-iipon ng ebidensiya upang matukoy ang motibo at
salarin sa pamamaslang.
Gayunpaman,
hindi isinasantabi ng pulisya ang anggulo ng pulitika batay na rin sa pahayag
ni Bokal Michael Fermin na pulitika ang kanilang nakikitang motibo sa
pamamaslang sa kanyang Chief of Staff.
Kinumpirma
ni Bait na nag-ulat na sa pulisya si Fermin na nakakatanggap ng pagbabatan sa
buhay.
Kinumpirma
din ni Bait na isa lamang sa mga suspek ang nagpaputok hanggang mapatay ang
biktima.
Umabot
sa pitong bala ng kalibre .45 ang tumama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ni
Inocencio.
Samantala,
kinondena ni Fermin ang pagpaslang sa kanya Chief of Staff na inilarawan din
niya na isang karuwagan.
“We
condemn such act of cowardice,” sabi ni Fermin sa kanyangopisyal na pahayag
noong Biyernes ng umaga.
Iginiit
pa niya na, "it is with a heavy heart that I announce the tragic loss of a
great friend and brother. April 10 is the day we commemorate the grief and
devastation due to an unfavorable event - an assassination - brought about by
two unnamed gunmen to a very honorable man, Edwin Inocencio.”
Tiniyak
din ni Fermin na hindi sila titigil hanggat hindi natutukoy ang mga may
kagagawan ng pamamaslang, at hanggang sa magkaroon ng katarungan ang
pamamaslang kay Inocencio.
Bilang
chief of staff ni Fermin, si Inocencio ay nagsisilbi ring isang malapit na
tagapayo ng Bokal.
Si
Inocencio ay ang ikatlong residente ng Hagonoy na naglilingkod sa pamahalaan na
binaril mula noong Enero.
Ang
una ay si PO2 Alex Francisco na binaril at napatay noong Enero 20; kasunod ay
si Konsehala Francis Dianne Cervantes na binarilnoong Marso 25.